NPA dumepensa sa bintang na lumabag sila sa ceasefire

By Den Macaranas July 30, 2016 - 09:35 AM

joma-sison
Inquirer file photo

Nilinaw ng pamunuan ng Communist Party of the Philippines –  New People’s Party (CPP-NPA) na hindi nila inambush ang mga tauhan ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Kapalong town sa Davao del Norte noong July 27.

Sa pahayag ay kanilang sinabi na isang bakbakan ang naganap dahil nilusbob ng mga CAFGU militiamen at mga sundalo ng 72nd Infantry Division ng Philippine Army ang kuta ng NPA na kabilang sa ComVal North Davao South Agusan Sub-Regional Command sa Brgy. Gupitan.

Ang nasabing statement ay galing sa tagapagsalita ng naturang NPA sub-regional command na si Aris Francisco na inilagay naman ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison sa wall ng kanyang Facebook page.

Sinabi ni Sison na itinago mismo ng mga military officials ang totoong pangyayari kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bilang naging bahagi ng pagpapalaya sa ilang mga bihag ng CPP-NPA, sinabi sa pahayag ng rebeldeng grupo na dapat ay alam ng opisyal na maraming mga paglabag sa mga naunang kasunduang pangkapayapaan ang mga tauhan ng Armed Force of the Philippines (AFP).

Umaasa si Sison na hindi magiging balakid ang naganap na enkwentro noong July 27 para hindi matuloy ang muling pag-buhay sa peace process sa pagitan ng pamahalaan at maka-kaliwang grupo.

Noong Huwebes ay sinabi ni Duterte na dapat magpaliwanag ang CPP-NPA kung bakit nila nilabag ang ceasefire na nagresulta sa pagkamatay ng isang CAFGU member na si Panggong Bukad at apat sa kanyang mga kasamahan.

TAGS: AFP, duterte, Joma Sison, NPA, AFP, duterte, Joma Sison, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.