Bato kay Tanto: “Tuturuan kita ng boxing”

By Den Macaranas July 30, 2016 - 08:41 AM

Bato Vhon
Inquirer photo

Hindi naitago ni Philippine National Police chief Ronald dela Rosa ang panggi-gigil nang iharap sa kanya ang road rage suspect na si Vhon Tanto sa Headquarters ng Manila Police District.

Kaagad na tinapik sa balikat ni dela Rosa si Tanto kasabay ang pahayag na tuturuan niya ang suspek ng boxing.

“Kaya kasi ito namaril natalo sa suntukan, mahina ka kasi sa boxing kaya ka napikon…tuturuan kita ng boxhing ha?…”, pahayag ni dela Rosa.

Hindi na nagsalita ang suspek na si Tanto ay tumango na lang ito bilang sagot sa pahayag ng PNP Chief.

Kaagad na isina-ilalim sa medical check-up at kaukulang proseso si Tanto bago ang pormal na pagsasampa sa kanya ng kasong murder ayon sa paliwanag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Si Tanto ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa biktimang si Mark Vincent Garalde makaraan silang magtalo at magsuntukan sa P. Casal street sa Quiapo Maynila.

Nilinaw din ng PNP na hindi sumuko kundi naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek.

TAGS: dela rosa, MPD, PNP, tanto, dela rosa, MPD, PNP, tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.