Vhon Tanto nai-turnover na sa Manila Police District

By Den Macaranas July 30, 2016 - 08:21 AM

Van Tanto1
PNP photo

Alas-siyete ng umaga kanina ay dumating na sa Headquarters ng Manila Police District (MPD) ang road rage suspek na si Vhon Tanto.

Ang Philippine Army reservist na si Tanto ay iniharap kay PNP Chief Ronald Dela Rosa at Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Mahigpit ang seguridad sa MPD compound dahil nagtangka ang ilang grupo ng mga siklista na saktan ang suspek nang dumating ito sa lugar.

Pati ang mga kamag-anak ng kanyang biktima na si Mark Vincent Garalde ay hindi napigilin ang kanilang mga sarili at tinangka rin nilang sugurin si Tanto.

Si Tanto ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Masbate.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek pero kaagad siyang nasakote ng mga otoridad.

Magugunitang binaril at napatay ni Tanto si Garalde makaraan siyang magkaroon ng alitan sa bahagi ng P. Casal street sa Quiapo Maynila.

Nakunan ng CCTV ang pamamaril at naging viral video ito sa social media.

Dahil dito, sinabi ng pamunuan ng Philippine Army na mas lalo silang maghihigpit sa pagkuha ng mga reservist dahil sa pangyayari.

TAGS: Army, PNP, tanto, Army, PNP, tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.