Relokasyon, pangako ni Duterte sa mga mahihirap sa Davao City

By Kabie Aenlle July 30, 2016 - 05:31 AM

duterteSinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-hapunan ang mga mahihirap at informal settlers sa Davao City, Biyernes ng gabi.

Dito niya ibinahagi ang kaniyang plano na bigyan ng maayos na relokasyon ang mga mahihirap sa Davao City, nang sa gayon ay makagawa pa ng mga bagong kalsada at maibsan ang trapiko sa kanilang lugar.

Ayon kasi sa pangulo, unti-unti nang lumalala ang lagay ng trapiko sa Davao City kaya dapat agad na itong masolusyunan sa pamamagitan ng relokasyon ng mga informal settlers.

Oras kasi na maklaro na ang mga lugar na kanilang nasasakop, maari nang gamitin ang mga ito para sa re-routing ng mga sasakyan.

Pangako ng pangulo, walang mangyayaring demoisyon nang walang relokasyon at humiling lang siya ng isang taon upang maisakatuparan niya ang planong ito.

Humingi rin siya ng paumanhin sa nasa 103 pamilyang maaapektuhan, pero kailangan aniyang gawin ang sakripisyong ito para sa ikabubuti ng mas nakararami.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.