Road rage suspect, bibigyan ng “villain’s welcome” ni Gen. Bato

By Kabie Aenlle July 30, 2016 - 05:26 AM

dela-rosa21Kung ang hero’s welcome ay binubuo ng masigabong hiyawan at palakpakan para salubungin ang isang magiting na mamamayan, puro nakamamatay na mura at mga tingin naman ang sasalubong sa isang “villain’s welcome.”

Ito ang isasalubong ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa suspek sa pagpatay sa isang siklista sa Quiapo, Maynila na naaresto na kahapon sa Masbate.

Ayon kay Dela Rosa, bibigyan niya ng villain’s welcome ang suspect na si Vhon Martin Tanto oras na makarating siya sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.

Aniya pauulanan nila si Tanto ng mga nakakamatay na mura at nakakamatay na tingin hanggang sa matunaw na lang siya sa kaniyang kinauupuan.

Dagdag pa ni Dela Rosa, tuturuan niya ring manuntok si Tanto dahil nabatid niyang mahina ito sa suntukan kaya gumanti siya gamit ang baril.

Ibinabyahe na ngayon ng mga pulis si Tanto paluwas ng Maynila, at inaasahang ihaharap siya sa mga media sa MPD, alas-7 ng umaga mamaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.