Anim na ASG members, patay sa operasyon sa Sulu at Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2016 - 07:18 PM

Tipo-Tipo BasilanNapatay sa nagpapatuloy na opensiba ng tropa ng pamahalaan ang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu at Basilan.

Sa Basilan, nasawi sa operasyon ng Joint Task Force Basilan ang dalawang Abu Sayyaf members na tagasunod ni Radzmil Jannatul alyas Khubayb.

Naganap ang operasyon sa Barangay Poblacion, Tipo-Tipo, Basilan alas 6:30 ng umaga ng Biyernes.

Narecover sa dalawa ang caliber .50 heavy machine gun.

Siyam na sundalo ang nasugatan sa nasabing operasyon na dinala na sa Camp Navarro General Hospital.

Samantala, apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group na pawang tagasunod ASG leader Alden Bagadi alyas Sayning ang napatay sa operasyon naman sa Barangay Langpas, Indanan Sulu.

Naganap ang operasyon alas 8:50 ng umaga ng Biyernes.

Dalawang sundalo naman ang nasugatan sa nasabing operasyon na kapwa nasa maayos nang kondisyon.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.