2 umano’y ‘bugaw’ pinaslang sa Caloocan

By Jong Manlapaz July 29, 2016 - 01:08 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang hinihinalang bugaw sa Caloocan City matapos na pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem  sa may bahagi ng M.H. Del Pilar kanto ng 3rd Ave., Brgy. 120 Zone 10 Caloocan City.

Bukod sa dalawang nasawi, isa pang biktima ang nasugatan at ginagamot sa ospital.

Ayon sa mga saksi, habang naglalalakad sa sa lugar ang mga biktima na sina alyas ‘Tangkad’ at ang hindi pa nakikilalang kasama nito,  pinaulanan sila ng bala ng apat na suspek na magkakaangkas sa motorsiklo.

Ayon sa barangay, kilalang bugaw ng mga babae ang mga nasawi at gumagamit ng bawal na gamot.

Nadamay naman sa pamamaril ang isang lalaki na kinilala lamang sa pangalang Edgar, na sinugod pa sa pinakamalapit na ospital.

Umabot sa walong basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang nakita sa lugar.

Habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung nay kinilaman sa trabaho ng mga biktima ang pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.