Kailangan ng pangulo si Poe

July 19, 2015 - 12:08 PM

poe-aquino (1)
Inquirer file photo

Kailangan ni Pangulong Benigno Aquino III ang popularidad ni Senadora Grace Poe at dahil dito ay posibleng talikuran nito ang kaibigang si DILG Secretary Mar Roxas.

Ito ang tingin ng political analyst na si Ramon Casiple na nakausap ng Radyo Inquirer.

Ani Casiple, kailangang winnable ang susuportahang kandidato sa pangulo ni Pangulong Aquino para sa taong 2016.

“Crucial na winnable ang i-endorso ng pangulo at malinaw na yung pakikipag-usap ng pangulo kay Grace Poe ay pagkilala sa popularidad at winnability ng senadora,” ani Casiple.

Bukod pa diyan, kailangan umano ng pangulo na matiyak na kaalyado niya ang mananalong kandidato dahil sa nakikita niyang kabi-kabilang kaso ang kakaharapin ng pangulo pagkatapos ng termino nito.

At kung si Poe ang winnable kumpara kay Roxas, nakikita ni Casiple na handa ang pangulo na talikuran si Roxas pabor kay Poe./ Gina Salcedo, Ricky Brozas

TAGS: 2016 elections, grace poe, Mar Roxas, mon casiple, PNoy, Radyo Inquirer, 2016 elections, grace poe, Mar Roxas, mon casiple, PNoy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.