Pilipinas wala pang pinal na desisyon sa WPS ruling

By Chona Yu, Den Macaranas July 28, 2016 - 04:56 PM

NSC photo
RTVM

Inamin ni Presidential Peace Adviser Jesus Durez na wala pang nabuong pinal na desisyon ang National Security Council kaugnay sa magiging diskarte ng pamahalaan sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) forum, sinabi ng kalihim na lahat ng mga mungkahi ay pag-aaralan ng mga miyembro ng NSC.

Kahapon ay present sa meeting ang lahat ng mga dating pinuno ng bansa na kinabibilangan nina dating Pangulong Fidel Ramos, Erap Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino.

Sa nasabing pulong ay inilatag rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace roadmap na tatahakin ng kasalukuyang pamahalaan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang mga rebeldeng grupo sa bansa.

Sa kabuuan ay naging maayos ang pulong at naging kapaki-pakinabang ang mga inputs ng bawat dumalo ayon sa kalihim.

TAGS: focap, permanent court of arbitration, West Philippine Sea, focap, permanent court of arbitration, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.