PNP umaming naalarma ang pagdami ng mga kaso ng extra judicial killings

By Ruel Perez July 28, 2016 - 04:40 PM

pnp
Inquirer file photo

Nababahala na rin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa dumadaming bilang ng mga biktima ng summary execution

Ayon kay PNP Spokesman S/Supt Dionardo Carlos, dahil sa tumataas na bilang ng mga natatagpuang bangkay ay nadadagdagan din ang bilang ng mga kasong kailangan nilang lutasin sa IAS o Internal Affairs Service partikular na kung pulis ang sangkot sa kaso.

Dahil dito, kailangan umano nilang magdoble kayod para matukoy aang mga suspek sa likod ng mga umanoy extra judicial killings.

Aminado si Carlos na tila may sumasabay sa kanilang kampanya kontra iligal na droga at walang habas ang pagpatay sa ilang sinasabing drug personalities dahilan para umakyat ang kaso ng murder at homicide.

Sa ngayon ay kinokolekta pa ng PNP ang kanilang datos para matukoy ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng summary killings sa buong bansa.

Nilinaw ng PNP na hindi nila kinukonsinte ang anumang uri ng summary execution.

TAGS: Illegal Drugs, PNP, summary executions, Illegal Drugs, PNP, summary executions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.