Dagdag na singil ng Philhealth makatwiran ayon sa SC

By Erwin Aguilon July 28, 2016 - 04:30 PM

philhealth (1)Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) laban sa pagtataas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth noong 2014.

Base sa 13-pahinang desisyon ng Supreme Court na sunulat ni Associate Justice Arturo Brion at may petsang June 28, 2016, nakasaad na walang nakitang batayan ang hukuman para pagbigyan ang hirit na writ of certiorari na inihain ng grupo.

Una nang sinabi ng KMU na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang Philhealth nang maglabas ito ng circular noong 2013 na nagtataas sa premium contribution rates nito.

Sinabi ng Supreme Court na nabigo ang petitioner na patunayang umabuso sa kanilang kapangyarihan ng Philhealth para itaas ang singil nito.

Makatwiran ayon sa korte ang aksyon ng Philhealth dahil ilang ulit na ring  hindi nito ipinatupad ang rate increase upang hindi maging pabigat sa mga miyembro.

Sinabi ng Korte Suprema na ang desisyon ng Philhealth na palawakin ang programa nito na nagresulta sa rate increase ay isang business judgement at hindi ito maaring panghimasukan ng korte.

Paliwanag pa ng SC,  wala silang supervision sa mga Administrative agencies at hindi nito maaring panghumasukan ang mga administrative matters

Mula sa dating P1,200 annual rate, Epektibo 2014, Nagtaas ang Philhealth ng minimum rates para sa mga miyembro nito sa halagang P2,400.

TAGS: philhealth, premium rates, Supreme Court, philhealth, premium rates, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.