Pagbili ng mga bagong trains ng MRT kinatigan ng C.A

By Erwin Aguilon July 28, 2016 - 03:45 PM

MRT
Inquirer file photo

Tuloy na ang pagbili ng 48 mga bagong bagon ng MRT matapos katigan ng Court of Appeals ang pasya ng Makati Regional Trial Court Branch 66 sa hiling na nagbabasura sa preliminary injunction na inihain ng Metro Rail Transit Corporation at Metro Rail Transit Holdings II.

Base sa 16-pages decision ng 12th Division ng CA na sinulat ni Associate Justice Maria Elisa Sempio-Dy, ibinasura nito ang apela ng MRTC at MRTH II laban sa P3.76B kontrata na inaward sa Dalian Locomotive and Rolling Stock.

Sinabi ng CA na walang matibay na ebidensya na magkakaroon ng grave injustice at irreparable injury sa MRTC dahil self-serving lamang ang mga pahayag nito at wala ring naipresentang independent Witness.

Sa kanilang petisyon sa Makati RTC inilahad ng MRTC at MRTH II na nilabag ng Department of Transportation and Communication ang kanilang right to first refusal nang i-award ang kontrata para sa MRT-3 expansion project sa Dalian Locomotive.

Nakasaad sa pasya ng CA na dahil sa alegasyon ng MRTC na nalabag ang kanilang karapatan sa ilalim ng konstitusyon ay hindi nangangahulugan na kaagad maglalabas ng injunctive relief ang korte.

Idinagdag pa ng CA na dahil sa nagpapatuloy na arbitration sa usapain hindi pa mabatid kung may right of first refusal nga ang MRTC kaya hindi tama ang pagpapalabas ng injunction.

TAGS: court of appeals, dalian, MRT, court of appeals, dalian, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.