Erap naglaan ng P100K na patong sa ulo ng road rage killer

By Erwin Aguilon July 28, 2016 - 03:28 PM

FB Photo
FB Photo

Nagpalabas na ng patong sa ulo ang Manila City Government para sa makapagtuturo upang maaresto ang Philippine Army Reservist na bumaril at nakapatay sa isang siklista sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, P100,000 ang kanilang ipagkakaloob sa makapagtuturo para maaresto si Vhon Michael Tanto.

Sinabi naman ni Manila Police District Director Joel Coronel na dahil sa nasabing alok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay lalong liit ang mundo ni Tanto.

Dahil dito muling nanawagan ang opisyal sa suspek na boluntaryo ng sumuko at harapin ang krimeng kanyang ginawa.

Tiniyak naman ni Coronel ang seguridad nito sa sandaling mapasakamay ng batas.

Kaninang umaga ay narekober ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ang abandonadong kotse ng suspek sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya.

TAGS: Estrada, MPD, Road Rage, tanto, Estrada, MPD, Road Rage, tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.