Holdaper ng bus nakipagbarilan sa pulis patay sa Pasay City

By Alvin Barcelona July 28, 2016 - 03:25 PM

crime-scene-300x200Isa sa tatlong suspek sa panghoholdap ang napatay matapos na holdapin ang isang bus ng Metrolink bus na may biyaheng Malanday-NAIA.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District, naganap ang holdapan bago alas-dose ng tanghali kanina.

Base sa report ng Pasay City Police Station, nagdeklara ng holdap ang mga suspek na armado ng baril at granada sa kanto ng Buendia at FB Harison street.

Sinamsam ng mga suspek ang mga cellphones, pera at iba pang gamit ng mga pasahero bago bumaba sa Leveriza street.

Tiyempo naman na nakapagsumbong ang mga pasahero sa nakaposteng pulis sa lugar na si PO1 Rey Bautista na siyang humabol sa mga tumatakas na suspek.

Pinaputukan ni Bautista ang isa sa suspek na namatay habang dinadala sa Pasay City General Hospital.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa suspek kaya hindi pa rin ito nakikilala.

Narekober sa napatay na holdaper ang isang Cal. 38 na baril, granada at ilan sa mga gamit na kinuha nito sa mga pasahero.

Samantala, ang dalawang nakatakas na suspek ay kilala na ng pasay police at ngayoy subject ng follow -up operations.

TAGS: holdap, metrolink bus, Pasay City, PNP, holdap, metrolink bus, Pasay City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.