Samahang Grace at Chiz, matatag

July 19, 2015 - 11:19 AM

1 grace n chiz
Inquirer file photo

Hindi na mabubuwag ang tambalan at samahan nina Senator Grace Poe at Chiz Escudero, ito ang paniwala ni Senator JV Ejercito.

Ani Ejercito, ang samahan nina Grace at Chiz ay pinatatag ng magkatuwang na pinagdaanang pagsubok.

Ang tinutukoy ni Ejercito ay ang 2004 Elections na kung saan tumakbo si Fernando Poe Jr. laban kay Gloria Macapagal-Arroyo.

Natalo si Poe sa naturang eleksiyon sa gitna ng alegasyong ito ay nadaya.

“Kapag may pinagdaanan kayong pagsubok, lalong tumatatag ang samahan. Magkakasama kami noon, alam ko kung gaano katibay ang samahan nina Grace at Chiz,” ani Ejercito.

Nakipagpulong sina Poe at Escudero kay Pangulong Benigno Aquino III nitong nagdaang linggo ngunit walang nabuong kasunduan at nagpatuloy sa pagpapakita sa publiko sina Poe at Escudero na magkasama.

Sina Poe at Escudero ay magkasama ng dumalo sa T’nalak Festival sa South Cotabato.

Ang hiling sa kanya ng pangulo ay maglibot sa iba’t ibang panig ng bansa kasama hindi si Escudero kundi si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Hindi nakikita ni Ejercito na makakasama ni Poe si Roxas dahil sa ang huli ay nakasama ni Arroyo sa senatorial ticket nito sa 2004 Elections na labis na nagbigay ng sama ng loob sa pamilya Poe.

Payo pa ni Escudero kay Poe, tumakbo sa halalan ng walang partido. “She could pursue reforms without the party”. / Philippine Daily Inquirer, Gina Salcedo

TAGS: chiz escudero, grace poe, radyo inquiirer, chiz escudero, grace poe, radyo inquiirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.