Pagtitipon ng limang pangulo ng bansa, maituturing na Philippine team

By Chona Yu July 28, 2016 - 01:53 PM

NSC photoPara kay dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, maituturing na Philippine team ang grupo o ang pagsasama sama kahapon ng limang pangulo ng bansa.

Ito ay matapos dumalo sa National Security Council meeting kahapon na ipinatawag ng Pangulong Rodrigo Duterte sina Ramos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III at Joseph Estrada.

Tumagal ng limang oras ang pagpupulong na nagsimula ng alas tres ng hapon at natapos ng pasado alas otso ng gabi.

Ayon sa dating pangulo, kauna-unahan at isang pambihirang pagkakataon na nagtipon tipon ang kasalukuyan at apat na dating pangulo ng bansa at nagka-isa para maisulong ang kapakanan ng bansa.

Bukod sa mga regular na miyembro ng National Security Council, kasama din sa pulong kahapon si dating DILG Secretary Rafael Alunan na una ng binanggit ni Pangulong Duterte na tutulong kay dating Pangulong Ramos sa espesyal na misyon sa China kaugnay ng gusot sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.