Pagbabalik sa boxing ring ni Pacquiao, hindi dahil sa pera

By Mariel Cruz July 28, 2016 - 10:38 AM

Manny Pacquiao, of the Philippines, smiles during a workout Wednesday, April 15, 2015, in Los Angeles. Pacquiao is scheduled to fight Floyd Mayweather Jr. in a welterweight boxing match in Las Vegas on May 2. (AP Photo/Jae C. Hong)
(AP Photo/Jae C. Hong)

Ibinahagi ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ang dahilan kung bakit pinili ulit nito na bumalik sa boxing ring kahit nag-anunsiyo na ng kanyang retirement.

Matapos ang apat na buwan simula ng ianunsiyo ang pagreretiro, handa na ulit ang eight-division world champion sa pagbabalik sa boxing ring.

Mariing itinanggi ni Pacquiao na pera ang dahilan kung kaya siya magbabalik sa mundo ng boxing.

Bata pa lamang aniya siya ay hilig na niya ang boxing at ngayon ay namimiss niya ang pakikipaglaban lalo na kapag nakapagbibigay siya ng karangalan sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak naman ng boxing champ na hindi maaapektuhan ang kanyang trabaho sa Senado ng kanyang pagbabalik sa boxing ring.

Si Pacquiao ang napiling mamuno ng Committee on Public Works sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.