Samahan ng mga kabataan, binatikos ang tila pagbabalewala ng QC sa TRO sa curfew

By Ricky Brozas July 28, 2016 - 09:57 AM

File Photo
File Photo

Inupakan ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sa lantaran umanong pagbaluktot sa inisyu na Tempoprary Restraining Order ng Korte Suprema sa Ordinance No. 2301 o Discipline Hours for Minors ng Quezon City.

Tahasan kasing sinabi ni Bautista na huwag matakot ang mga barangay at ituloy lamang ang pagpapatupad ng kani-kanilang ordinansa hinggil sa discipline hour, dahil hindi naman iyon saklaw ng TRO ng Supreme Court.

Ayon kay SPARK Spokesperson Joanne Lim, may impormasyon silang natatanggap na inabisuhan na ng Barangay Operations Center ng lungsod ang mga Barangay secretaries at officials na ipatupad pa rin ang kani-kanilang mga ordinansa.

Para naman aniya sa mga barangay na hindi nag adopt ng discipline hour ordinance ay inatasan na bumalangkas ng sarili bilang bersiyon ng ordinansa.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Jesus Falcis, legal counsel ng SPARK, ang statement ni Bautista ay maituturing niyang ‘troublesome’ dahil mistula umanong pagsuway iyon sa utos ng Korte Suprema.

Paliwanag ni Falcis, kung yun ngang siyudad ay walang kapangyarihan na magpatupad ng curfew, lalo pa ang mga brgy na component part lamang ng isang lungsod.

Dahil dito, maghahain umano sila ng motion for clarification sa Supreme Court para maiwasan ang circumvention sa TRO.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.