Si Mar pa rin

July 18, 2015 - 03:15 PM

Mar-Roxas-0526
Inquirer file photo

Hanggat walang anunsyo si Pangulong Benigno Aquino III na ibang pangalan, naniniwala ang Liberal Party na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas pa rin ang pambato nila bilang presidente sa 2016 Election.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na wala silang nakikitang ibang pwedeng magtuloy ng mga nagawa ni pangulong aquino kundi si Roxas. “Wala naman kaming ibang napupusuan kundi si Roxas dahil naniniwala kami na walang iba na may kakayahang ipagpatuloy ang mga reporma kundi si Sec. Mar Roxas,” pahayag ni Erice.

Giit ni Erice, ang pagiging pangulo ng bansa ay dapat na may taglay na kumbinasyon ng mga katangian at hindi anya pwedeng kakayahan lang na wala namang integridad.

Itinanggi naman ni Erice na nangangampanya na si Roxas dahil sa pag-iikot nito sa bansa.

Ang ginagawa lang anya ni roxas ay ang tungkulin nito bilang DILG Secretary. “Mataas ang delicadeza ni Sec. Roxas. Hindi ho yan nangangampanya. Ang ginagawa lang niya ngayon ay tungkulin niya bilang DULG secretary kapag inanunsyo na niya na siya ay kakandidato ay magbibitiw ito sa pwesto,” dagdag ni erice. / Len Montaño

TAGS: 2016 elections, roxas, 2016 elections, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.