SONA 2016 ‘generally peaceful’ – AFP

By Mariel Cruz, Ruel Perez July 26, 2016 - 04:26 AM

 

Noy Morcoso/Inquirer.net

Naging “generally peaceful” o mapayapa sa pangkalahatan ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito naging paghayag ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon pa kay AFP Brig. Gen. Restituto Padilla, malaki ang naitulong ng ipinakitang suporta ng mga ralliyista sa mapayapang SONA ng pangulo.

Wala aniyang na-monitor ang AFP na mga banta sa seguridad.

Kakaiba rin ang SONA ngayong taon kumpara sa mga nakaraang ulat sa bayan ng mga dating pangulo ng bansa.

Ito ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pinayagan na makalapit sa batasang pambansa ang mga militante.

Ani Padilla, kung magpapatuloy ang ganitong klase ng SONA ay maiiwasan na ang bayolenteng komprontasyon ng mga militanteng grupo at pulisya o militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.