CHR, desididong pangalagaan ang ‘human rights’ sa pangakong ‘rule of law’ ni Pangulong Duterte

By Jay Dones July 26, 2016 - 04:27 AM

 

CHR LogoDahil sa mga binitiwang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA, mas desidido ngayon ang Commission on Human Rights na ipatupad ang mandato nito na pangalagaan ang karapatang pantao ng publiko.

Tinutukoy ni CHR Chair Jose Luis ‘Chito’ Gascon ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga alagad ng batas na lumalabag sa karapatang pantao sa kanilang pagpapatupad ng anti-illegal drugs operations.

Pinuri rin ni Gascon si Pangulong Duterte sa panawagan nito sa National Police Commission (Napolcom) na imbestigahan ang mga pulis na umaabuso sa kanilang tungkulin.

Giit ni Gascon, makikipagtulungan ang CHR sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang matiyak na nasusunod ang ‘rule of law’.

Nilinaw din ni Gascon na hindi pananggalang ang ‘human rights’ ng mga nais na gumawa ng krimen.

Sa halip, isa ito aniyang ‘shield’ o pananggalang kontra sa pag-abuso ng mga otoridad sa kanilang kapangyarihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.