Environmental group, masaya rin sa SONA

By Kabie Aenlle July 26, 2016 - 04:25 AM

 

File photo

Ikinagalak ng isang environmental group sa Southern Tagalog ang nilaman ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Ayon kay Rodne Galicha, country manager ng The Climate Reality Project, masaya sila na isa sa mga pangunahing prayoridad ng Duterte administration ang paglaban sa global warming.

Aniya, nag-iwan ng malaking aral sa mga tao ang labis na epekto ng industriyalisasyon at paggamit ng fossil fuels, at ito ay ang kawalan hindi lang ng mga hanapbuhay, kundi pati ng mga buhay.

Sa kaniyang SONA, sinabi ni Duterte na ang pag-harap sa krisis ng global warming, ay dapat gawin sa pamamagitan ng “equitable equation” kung saan hindi naman mababalam ang industriyalisasyon ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.