Comelec umapela sa publiko na magparehistro para sa Barangay at SK elections

By Rod Lagusad July 23, 2016 - 07:35 PM

Andres-Bautista-0515
Inquirer file photo

Umabot na sa higit 600,000 ang mga botanteng nagparehistro para sa darating na October 31, 2016 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na nasa 670,000 na mga botante na ang nagparehistro sa unang anim na araw ng pagpaparehistro.

Nagsimula ang registration period para sa darating na eleksyon noong July 15 na tatagal hanggang July 30.

Nanawagan si Bautista sa mga tao na huwag ng hintayin ang deadline ng registration para magparehistro.

Dagdag pa niya, meron pang walong araw na natitira para magparehistro kaya kanyang hinihikayat lalo na ang mga hindi nakapagparehistro noong nakaraang eleksyon maging sa mga hindi pa nakakapag biometrics.

Sa huli, muling binigyan diin ni Bautista ang kahalagahan na makabahagi sa darating na Barangay at SK elections at magpunta na sa Office of the Election Officer.

TAGS: andres bautista, baranggay, sk elections, andres bautista, baranggay, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.