ASG members na sangkot sa Sipadan kidnapping huli ng PNP

By Den Macaranas July 23, 2016 - 06:41 PM

handcuffs30915Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa naganap na Sipadan kidnapping noong 2000 ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Sta. Maria Zamboanga City.

Nakilala ang nahuling suspek na si Bads Adjam, alyas “Pamadol” na sinasabing sangkot sa pagdukot sa sampung Malaysians, siyam na Europeans at dalawang Pinoy sa Sipadan Malaysia noong 2000.

Noong 2002 ay kasama rin si Adjam sa mga dumukot sa anim na Jehova’s witness members sa Patikul Sulu.

Si Adjam ay may nakabinbin ding kaso ng kidnapping sa Pasig City Regional Trial Court at may reward na P600,000 para sa kanyang ikadarakip.

Sinabi ng CIDG na mayroon pa silang on-going na operasyon sa hindi binanggit na lugar para hulihin ang iba pang mga kasamahan ni Adjam.

TAGS: Abu Sayyaf, CIDG, sipadan, Abu Sayyaf, CIDG, sipadan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.