Ilang lugar sa Eastern Visayas apektado ng red tide

By Rod Lagusad July 23, 2016 - 04:35 PM

Red tide
Inquirer file photo

Nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o red tinde ang mga shellfish na mula sa Irong-Irong, Cambatutay, Villareal at Masqueda Bay sa Western Samar dahil higit ito sa normal na regulatory limit.

Ito ay base sa latest laboratory results ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) at ng mga Local Government Units (LGU’s) habang ang Maratinao Bay sa Eastern Samar ay positibo rin sa red tide toxin.

Lahat ng uri ng shellfish kasama ang alamang na nakukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas na kainin.

Habang ang mga isda, pusit, hipon at mga alimango ay ligtas na makain sa perdo dapat na ang mga ito ay sariwa, huhugasan ng mabuti at dapat tanggalin ang hasang, bituka at ibang internal organs bago lutuin.

Wala namang red tide sa mga baybayin ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Malabon at Bataan na sakop ng Manila Bay.

Nanatiling ligtas din ang mga baybayin ng Pangasinan, Zambales, Masbate, Sorsogon at iba pang coastal waters sa bansa.

TAGS: BFAR, eastern visayas, red tine, BFAR, eastern visayas, red tine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.