“911 emergency hotline” available na sa August 1

By Den Macaranas July 23, 2016 - 04:22 PM

911 pic2
Davao City’s 911

Epektibo sa unang araw ng Agosto ay magagamit na ng publiko ang “911” bilang national emergency hotline number.

Sa memorandum na inilabas ng National Telecomunnications Commission (NTC) ay kanilang inatasan ang lahat ng mga telecommunication companies sa bansa na sumunod sa nasabing special hotline.

Ang 911 ang siyang papalit sa Patrol 117 na nauna nang itinayo sa ilalim ng tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nangangahulugan ito na ang 911 ang numero na dapat tawagan ng publiko para sa mabilis na responde ng mga pulis, bumbero at emergency medical personnel ng pamahalaan.

Umapela naman ang NTC sa publiko na iwasan ang prank call sa nasabing numero dahil tiniyak nila na kaya nilang i-trace kung sino man ang gagawa nito.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng 911 bilang emergency number dahil napatunayan niya na epektibo ito at matagal nang ginagamit ng lokal na pamahalaan sa Davao City.

TAGS: 911, Davao City, duterte, NTC, 911, Davao City, duterte, NTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.