87 patay,16 milyon katao inilikas dahil sa malakas na ulan sa China

By Den Macaranas July 23, 2016 - 03:58 PM

chinafloodap-2
AP

Umakyat na sa 87 ang naitalang patay, 78 ang nawawala samantalang 16 Milyon katao ang inilikas dahil sa patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng China.

Sa ulat ng kanilang Civil Affairs Department, sinasabing pinaka-grabeng napinsala ng malakas na ulan at mataas na tubig-baha ang lalawigan ng Central Henan.

Sa nasabing lalawigan pa lamang ay umaabot sa 19,000 na mga kabahayan ang sinira ng malakas na hangin dulot ng ilang araw na pag-ulan at malalimna baha.

Umaabot naman sa 7.2 Milyong katao ang inilikas sa nasabing lalawigan.

Nauna nang iniulat ng Xinhua News Agency na umabot sa 1.5 Milyon na ektarya ng mga pananim ang sinira ng malakas na pag-ulan.

Sa pagtaya ng Central Bank ay umabot na sa 20 Billion Yuan o katumbas ng $3 Billion ang halaga ng mga nasirang ari-arian at pananim sa kabuuan ng China at possible pa itong tumaas.

Nangako naman ang kanilang pamahalaan na magbibigay sila ng financial assistance sa mga napinsala ng pag-ulan at baha.

TAGS: China, henan, rain, yuan, China, henan, rain, yuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.