Dalaw sa mga bilanggo sa bilibid ipinagbawal ng PNP-SAF

By Den Macaranas July 23, 2016 - 02:05 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Inamin ni New Bilibid Prisons (NBP) Chaplain Msgr. Roberto Olaguer na “totally isolated” sa ngayon ang buong maximum security compound.

Mula noong Huwebes ay mga tauhan na lamang ng Special Action Force ng Philippine National Police ang nakakapasok sa nasabing compound kung saan pati si Olaguer ay hindi pinapayagang pumasok sa kanyang opisina.

Sinabi ni Olaguer na walang opisyal ng PNP-SAF ang gustong makipag-usap sa kanila.

Hanggang sa mga ngayon ay hindi rin pinapayagan ang lahat ng mga dalaw para sa mga preso sa loob ng maximum security compound.

Ayon pa kay Olaguer, pati gamot na may reseta ng mga duktor para sa mga may sakit na preso ay hindi rin pinapayagang maipasok sa kasalukuyan.

Kahapon ay tumanggap rin sila ng report na may ilang preso ang sinasabing sinaktan ng ilang mga tauhan ng SAF.

Noong Huwebes ng gabi ay kinumpiska rin umano ang mga armas na gamit ng mga prison guards nang mag-takeover ang SAF sa pangangalaga ng seguridad sa buong NBP compound

TAGS: Illegal Drugs, msgr. olaguer, NBP, PNP, SAF, Illegal Drugs, msgr. olaguer, NBP, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.