Mga kotong cops na mahuhuli ihaharap sa publiko

By Den Macaranas July 23, 2016 - 09:01 AM

dela-rosa21
Inquirer file photo

Muling binalaan ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga miyembro ng PNP na maging maayos sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Habang abala sa pagtutok sa mga sindikato ng droga, sinabi ni Dela Rosa na patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga reports kaugnay sa reklamo laban sa ilang mga kotong cops.

Sinabi ng opisyal na huwag nang hintayin ng mga mahuhuling nangongotong na pulis na iharap pa sila ng publiko dahil hindi umano siya magdadalawang-isip na gawin ito.

Ayon kay Dela Rosa, mas mabuting mag-resign na lamang sa pwesto ang mga pulis na hindi mapigil ang sarili sa pangongotong kesa naman sila’y masibak at masampahan pa ng mga kaso.

Nauna nang sinabi ng PNP Chief na may binuo na siyang grupo na nag-iimbestiga sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng ilang mga pulis.

May ilan din umanong PNP officials ang kanilang nadiskubre na hindi lamang sa droga sangkot kundi sa iba’t ibang uri pa ng extortion activities.

Binigyang-diin ni Dela Rosa na bilang na ang oras ng mga ito.

TAGS: dela rosa, Illegal Drugs, kotong cops, PNP, dela rosa, Illegal Drugs, kotong cops, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.