Pagre-resign, itinanggi ni Mayor Sara Duterte

By Kabie Aenlle July 23, 2016 - 04:42 AM

Sara Duterte
Sara Duterte

Mariing itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kumakalat na balitang magbibitiw siya sa pwesto.

Naging usap-usapan ito sa Davao matapos siyang mag-leave of absence noong July 1.

Ayon kay Duterte, pinili niyang huwag patulan ang balitang ito noong una dahil natutuwa siya sa mga komento ng kaniyang mga taga-suporta at mga haters.

Ngayong araw ng Sabado babalik sa trabaho si Duterte dahil ang katwiran niya, ang mga alkalde ay dapat 24/7 na nagta-trabaho.

Gayunman, muli siyang liliban sa kaniyang opisina sandali para naman dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Biro niya pa, pupunta siya dahil nabayaran na ang mga gagastusin sa kaniyang pag-biyahe dito.

Hindi naman siya sigurado kung pupunta ang kaniyang mga kapatid na sina Vice Mayor Paolo at Sebastian sa SONA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.