Mahigit 9,000 self-confessed pushers at users sa Pampanga, sumuko

By Dona Dominguez-Cargullo July 21, 2016 - 07:00 AM

PampangaAabot sa mahigit siyam na libo na pawang aminadong tulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang sumuko sa Pampanga police.

Ang mga sumuko ay mula sa labing siyam na bayan at dalawang lungsod sa Pampanga.

Maagang tinipon ngayong araw sa sports complex sa San Fernando City ngayon ang mga sumuko kung saan sila panunumpain at kukuhanan ng profile bago payagang umuwi.

Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang Pampanga police sa lahat ng pumapasok sa sports complex.

Kinakapkapan ang bawat pumapasok at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng lighter, sigarilyo at matutulis na bagay.

 

TAGS: 9000 drug suspects in Pampanga surrendered, 9000 drug suspects in Pampanga surrendered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.