Dentista sa Makati patay matapos makipagbarilan sa mga holdaper

By Kabie Aenlle July 21, 2016 - 04:31 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay sa tadtad ng tama ng bala ang isang dentista sa Makati City matapos niyang maka-engkwentro ang mga suspek na nang-holdap sa kaniyang clinic.

Naganap ang insidente pasado tanghali ng Miyerkules sa kanto ng Kamagong at St. Paul streets sa Brgy. San Antonio, Makati City.

Ayon kay Rona Isturis na sekretarya ng dentistang si Dr. Antonio Limos, pumasok sa kanilang clinic ang mga suspek na nag-panggap bilang mga pasyente.

Kalaunan aniya ay naglabas ng baril ang mga ito at nag-deklara ng holdap, na sinundan ng pag-tali sa kamay ng mga biktima kabilang na ang isang totoong pasyente ni Limos.

Makaraang makuha ng mga suspek ang cellphone at wallet ng pasyente, agad silang lumabas ng clinic at sumakay ng motorsiklo ngunit hinabol sila ni Limos dala ang kaniyang baril.

Doon na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at ni Limos, ngunit sa kasamaang palad ay napuruhan ang dentista na siyang ikinasawi nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.