Jeep binangga ng truck sa Iloilo, pito patay

By Jay Dones July 21, 2016 - 04:29 AM

 

Mula sa Google Maps

Pito katao ang nasawi sa banggaan ng trak at pampasaherong jeep sa Iloilo.

Naganap ang aksidente sa boundary ng Bgy. Licoan at Bgy. Tinorian sa bayan ng Barotac, Nuevo.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungong Barotac Nuevo ang pampasaherong jeepney nang masalpok ito ng 10-wheeler truck na kasalubong nito na nagmula sa bayan ng Banate.

Sa tindi ng banggaan, napunit ang ibabaw na bahagi ng jeepney kung saan sakay ang mga biktimang pasahero kabilang na ang driver na nasawi rin sa aksidente.

Diumano, nag-overtake sa isang sasakyan ang truck ngunit nawalan ito ng control at tuluyang sumalpok sa kasalubong na jeep.

Sugatan naman ang driver ng truck na iniimbestigahan na ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.