Aiza Seguerra, prayoridad muna ang pagkaka-baby kaysa maupo sa NCCA

By Kabie Aenlle July 18, 2016 - 04:43 AM

From Kilab Multimedia
From Kilab Multimedia

Bagaman bukas siya sa paglilingkod sa publiko, mas prayoridad ng singer na si Aiza Seguerra ang maituloy ang kanilang balak ng asawa niyang si Liza Diño na magka-anak.

Si Seguerra kasi ay isa sa mga umano’y napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng posisyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Para sa kaniya, silang mag-asawa ay tumutulong lamang sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay sa NCCA ng mga mahahalagang impormasyon mula sa mga ahensyang may kaugnayan dito.

Ngunit aniya, mas nakatuon ang pansin nilang mag-asawa ngayon sa pagkakaroon ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Matagal na aniya nila itong pinlano, bago pa man tumakbo si Duterte bilang pangulo.

Aniya pa, lalayo muna sila sandali lalo’t kritikal para kay Liza ang unang tatlong buwan sakaling mabuntis na ito.

Sa tingin niya oras na buntis na si Liza, wala na silang magiging problema.

Nang tanungin naman kung tatanggapin niya ang magiging alok sa kaniya na posisyon, sinabi lang niya na hindi naman niya isinasara ang mga pinto sa ganitong pagkakataon at wala pa rin namang may nakakaalam ng mga posibleng mangyari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.