Lopez sa mga Chinese miners: lumayas kayo sa Pilipinas

By Den Macaranas July 16, 2016 - 07:44 PM

Gina Lopez
Inquirer file photo

Binalaan ni Environment Sec. Gina Lopez ang mga Chinese national na nagmamay-ari ng mga mining companies sa bansa na lumayas na palabas ng Pilipinas.

Sinabi ng kalihim na sila ang mga pangunahing violators ng mga umiiral na environmental laws sa bansa.

Kamakailan lamang ay limang mga mining firms na pagmamay-ari ng mga Chinese companies ang ipinasara ng kalihim kabilang na dito ang apat na minahan sa lalawigan ng Zambales.

Suspendido naman operasyon ng Berong Nickel Corporation sa Quezon Palawan na napatunayan Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagtapon ng halos ay 1,200 metric tons ng mine tailings sa karagatang sakop ng lalawigan.

Binigyang-diin pa ng kalihim na dadaan sa kanyang mahigpit na pagbusisi ang mga kontrata ng mga minahan sa bansa lalo na iyung mga pag-aari ng mga foreign companies.

Sa kasalukuyan ay hindi muna magbibigay ng approval ang DENR sa lahat ng mga mining permit applications ayon kay Lopez.

TAGS: berong, DENR, gina lopez, mining permits, berong, DENR, gina lopez, mining permits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.