Gilbert Bulawan binigyan ng tribute ng kaibigan sa PBA

By Den Macaranas July 16, 2016 - 06:00 PM

Air Jordan 9
Bong Lozada/INQUIRER.net

Isang kakaibang tribute ang ibinigay ni Reynel Hugnatan ng Meralco Bolts para sa kanyang namatay na kaibigan na si Gilbert Bulawan ng Blackwater Elite.

Bago ang laban ng Meralco at Mahindra sa Governor’s Cup ng Philippine Basketball Association (PBA) ay ipinakita ni Hugnatan ang kanyang Air Jordan 9 shoes na may tape at nakasulat doon ang mga katagang “RIP GB 11” na ayon sa kanya ay pagbibigay ng parangal sa kanyang kaibigan na si Bulawan.

“Very close kami talaga nun, parang kapatid ko na yun,” pahayag ni Hugnatan.

Ayon pa sa pambato ng Meralco, “Kami yung naging close talaga nung nasa Meralco pa siya, kaya talagang nagulat ako, tumawag si Mike Cortez sakin, nagulat ako, after nun pumunta akong ospital pero wala na.”

Si Bulawan ay namatay noong July 3 makaraan siyang mag-collapse habang nasa kalagitnaan ng practice ang kanilang koponan.

Massive heart attack ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng 29-anyos na cager.

TAGS: bulawan, hugnatan, meralco, PBA, bulawan, hugnatan, meralco, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.