Pulis huli sa loob ng drug den sa Isabela

By Den Macaranas July 16, 2016 - 03:29 PM

Cauayan-City.12Arestado ang isang pulis sa lalawigan ng Isabela makaraan siyang maaktuhan na nasa loob mismo ng isang shabu den sa bayan ng Cauayan.

Ang suspect ay kinilalang si SPO1 Roque Mallilin, 51-anyos, naka-assign sa Cauayan Municipal Police Station na nagpositibo rin sa pag-gamit ng shabu.

Sa pahayag ni PO3 Romar Acebo, may hawak ng kaso, ni-raid ng mga pulis ang bahay ng isang kilala lamang sa alyas na “Amang” dahil sa tip na nagbebenta ito ng illegal drugs.

Pagpasok ng mga pulis ay kaagad nilang nakita si SPO1 Mallalin at mabilis nila itong dinisarmahan.

Bagama’t nahuli sa aktong nasa loob ng shabu den at todo-tanggi pa rin siya sa pagsasabing may binisita lamang siyang kaibigan sa lugar.

Nakuha sa mga suspect ang ilang sachet ng shabu at inihahanda na ang kaukulang mga kaso na isasampa laban sa kanilang.

TAGS: cauayan, drug den, isabela, PNP, cauayan, drug den, isabela, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.