Suhol sa sinumang magpaparaya?

July 16, 2015 - 05:12 PM

Inquirer file photo

Tiyak na may suhol na iaalok ang Pangulong Benigno Aquino III sa kung sino kina senators Grace Poe, Francis Escudero at Interior Secretary Mar Roxas ang maiitsapwera sa 2016 Presidential elections.

Ito ang diretsahang Sinabi ni Senador Sergio Osmeña. Ayon sa senador, hindi kasi mapagbibigyan ng pangulo ang tatlo para sa puwesto sa pagkapangulo o pangalawang pangulo. Sinabi pa ni Osmeña na maaring pera o puwesto sa gobyerno ang iaalok ng pangulo. Iginiit pa ni Osmeña na sa nakalipas na ilang dekada, karaniwan ng nangyayari ang suhulan sa mga kandidato sa pinakamataas na posisyon. Ang mga pahayag na Ito ng senador ay reaksiyon sa dinner na naganap kagabi sa Malacañang kasama ang Pangulo, Poe, Escudero at Roxas. Gayunman, bagaman ilang beses ng nakipagpulong ang pangulo sa mga ‘presidential wannabe’, wala pa rin itong napipiling manok sa 2016 Presidential elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.