300 drug users at pushers sa Zamboanga del Sur, kusang nagsagawa ng “shame parade”

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2016 - 10:45 AM

DrugsAabot sa 300 self-confessed drug users at pushers sa Zamboanga Del Sur ang boluntaryong nagsagawa ng “shame parade” ang ipinarada ang kani-kanilang sarili patungo sa police station para sumuko.

Bitbit ang mga tarpaulins na nagsasaad ng kanilang paghingi ng tawad at pag-unawa sa publiko, sama-sama silang naglakad patungo sa istasyon ng pusliya.

Nakasulat sa mga hawak nilang tarpaulins na seryoso sila sa intensyong magbagong buhay at natatakot silang maging biktima sila ng summary executions.

Ayon naman sa mga otoridad, ilan sa mga kusang sumuko ay umamin at ikinanta kung sinu-sino ang kanilang suppliers.

Kinuhanan ng impormasyon ang mga sumuko at pinayagan din silang umuwi.

 

TAGS: self-confessed pushers and users surrendered in Zamboangan Del Sur, self-confessed pushers and users surrendered in Zamboangan Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.