Kailangan ni Grace si Mar

July 16, 2015 - 02:55 PM

grace-marKung gusto raw matuto pa ni Senadora Grace Poe, kakailanganin daw nito si DILG Secretary Mar Roxas.

Ito ang paniniwala ng isang miyembro ng Liberal Party sa harap na rin ng patuloy na pag-uusap ng partido ukol sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Cavite Rep. Alex Advincula, mas mahahasa pa ang karanasan ni Poe kung makakasama nito sa paglilingkod si Roxas.

Dagdag ni Advincula, kung totoong mahal daw ni Poe ang bansa, dapat maunawaan nitong kailangan niya si Roxas upang malaman at mapag-aralan ang maraming bagay, lalo na pagdating sa pamumuno.

Kumbinsido pa si Advincula na malaki ang maitutulong ni Roxas kay Poe na magagamit naman ng Senadora sa 2022 Presidential Elections.

Hinimok ni Advincula ang iba pang taga-Liberal Party na tumindig na at ideklara ang kanilang suporta kay Roxas.

Mahalaga aniya ito lalo ngayong panahon na maraming kalituhan at masyadong maraming nasasabi, mula sa ibat ibang partido at political personalities. / Isa Avendano Umali

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.