Pilipinas panalo sa arbitration case laban sa China

By Den Macaranas July 12, 2016 - 05:25 PM SHARE(S):
UN
U.N Permanent Court of Arbitration

(Breaking) Makaraan ang ilang buwang paghihintay na ay naglabas na ng desisyon ang United Nations Arbitral Tribunal pabor sa Pilipinas.

Sa 501-page desisyon, sinabi ng Permanent Court of Arbitration na walang basehan ang China na angkinin ang teritoryo sa South China Sea gamit ang “historical rights” ng kanilang bansa.

Nilabag din umano ng China ang “sovereign rights ng Pilipinas sa base sa umiiral na batas na nakapaloob sa ating exclusive economic zone.

Sa dispositive portion ng desisyon nakasaad ang mga sumusunod na pangungusap, “Having found that none of the features claimed by China was capable of generating an exclusive economic zone, the Tribunal found that it could—without delimiting a boundary—declare that certain sea areas are within the exclusive economic zone of the Philippines, because those areas are not overlapped by any possible entitlement of China”.

Umapela naman si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa China na igalang ang naging desisyon ng tribunal sa isyu.

Umaasa rin ang kalihim na magpapatuloy ang kaayusan sa rehiyon sa kaugnay sa naging desisyon.

Nauna nang sinabi ng China na hindi nila susundin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration kasabay ng pagsasabing dapat resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng bilateral initiatives ng dalawang bansa.

TAGS: China, Department of Foreign Affairs, permanent court of arbitration, U.N, China, Department of Foreign Affairs, permanent court of arbitration, U.N

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.