U.S State Department nagpadala ng sugo sa bansa sa isyu ng WPS

By Den Macaranas July 12, 2016 - 04:48 PM

Kristie kenney
AP

Inamin ni dating U.S Ambassador to the Philippines at ngayo’y State Department Counselor Kristie Kenney na inutusan siya ni U.S State Department Sec. John Kerry na pumunta sa bansa.

Layunin umano ng kanyang pagbisita na kausapin ang ilan sa mga opisyal ng Duterte administration pero hindi na niya sinagot ang tanong kung may kinalaman ba ito sa inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent court of Arbitration sa The Hague.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Kenney na nasa magandang posisyon ang bansa para kausapin ang China lalo na sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Kaninang tanghali ay tumagal ng 30-minutes ang kanyang meeting kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay pero hindi na niya ibinigay ang detalye ng kanilang pulong.

Muli namang tiniyak ng opisyal na nakatutok lang U.S sa mga kaganapan sa West Philippine Sea kasabay ang pagtiyak na mananatili ang magandang ugnayan ng dalawang bansa hindi lamang sa kalakalan kundi lalo na sa diplomatic ties.

TAGS: China, duterte, kristie kenney, philippines, West Philippine Sea, China, duterte, kristie kenney, philippines, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.