4 na Chinese na naaresto sa floating shabu lab sa Subic, kinilala na

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2016 - 01:04 PM

Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno
Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno

Tukoy na ang pagkakakilanlan ng apat na Chinese nationals na nadakip sa loob ng natuklasang “floating shabu laboratory” sa Barangay Calapandayan sa Zambales.

Nakilala ang mga suspek na sina Shu Fook Leung, Kwok Tung Chan, Wing Fai Lo at Kam Wah Kwok na pawang mula sa Hong Kong at pitong araw pa lamang nasa Pilipinas.

Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno
Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno

Ang operasyon ay isinagawa ng mga oepratiba PNP Anti-Illegal Drugs Group sa pamumuno ni Sr. Supt. Bert Ferro.

Katuwang din ng PNP-AIDG ang Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Sr. Supt Christopher Mateo.

Ayon kay Mateo, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga indibidwal na posibleng kasabwat ng mga tsino dito sa Pilipinas.

 

Floating Shabu Lab Subic Photo from Allan Macatuno of Inquirer Central Luzon 3 - CopyNakuha sa loob ng barko ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 million, at isang shabu manufacturing equipment na kayang makapag-produce ng 25 kilos ng shabu kada araw.

Posible ayon sa mga otoridad na ang mga shabu na ginagawa sa loob ng barko ay kinukuha at dinadala sa Cagayan at Pangasinan.

Ayon kay Khonghun sa monitoring ng mga otoridad, ang nasabing fishing vessel ay galing sa Hong Kong dumaong sa Cagayan, naglayag patungong Ilocos at Pangasinan hanggang sa magtungo sa Subic Bay.

Sinabi ng alkalde na malaking tulong ang tip mula sa mga mangingisda sa lugar para maaresto ang mga suspek.

 

 

TAGS: floating shabu lab, Ricky Brozas, floating shabu lab, Ricky Brozas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.