5 pasahero ng bus, patay sa aksidente sa Nueva Ecija

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2016 - 12:55 PM

Caranglan Nueva Ecija
Caranglan Nueva Ecija

Lima ang nasawi at nasa 20 ang sugatan sa aksidente na naganap sa Putlan, Caranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay Carangalan Police Station chief Sr Insp. Adriano Gabriel Jr., ang mga nasawi at nasugatan ay pawang pasahero ng Victory Liner bus na may plate number na AYK 552.

Galing ng Tuguegarao City ang bus at patungo sana sa Maynila nang maganap ang aksidente kaninang madaling araw.

Batay sa imbestigasyon, posibleng human error o pagkakamali sa panig ng driver ng bus na si Ryan Manuel ang naging dahilan ng aksidente.

Posible umanong mabilis ang takbo ng bus, nawalan ng control at bumangga sa concrete barriers ng Department of Public Works and Highways.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumaob ang bus dahilan para maipit ang mga pasahero.

Apat sa mga pasahero ay dead-on-the-spot habang ang isa ay nasawi sa ospital.

Ang mga nasugatan ay ginagamot sa mga pagamutan sa San Jose City, Nueva Ecija.

 

 

TAGS: Caranglan Nueva Ecija, Caranglan Nueva Ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.