Top drug pusher sa Nueva Ecija, napatay ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2016 - 10:25 AM

crime-scene-620x413Patay ang isa sa top 3 drug pushers sa Nueva Ecija matapos magtangkang magpasabog ng granada.

Ang suspek na si Eleazar Peralta ay nabaril ng mga rumespondeng pulis habang nagbabanta itong alisin ang pin ng hawak niyang granada sa bahagi ng Bambang, Nueva Ecija.

Ayon sa mga otoridad, si Peralta ay isa sa tatlong binabantayang mga notoryus na pusher sa lalawigan.

Bago mapatay si Peralta, nagtungo sa kaniyang bahay ang mga pulis para isilbi sana ang search warrant.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang mga otoridad na ginagamit ni Peralta ang kaniyang bahay bilang imbakan ng mga armas at illegal drugs.

Pero sa halip na tumalima sa mga otoridad, tumakbo papasok ng bahay si Peralta, kumuha ng granada at nagbantang itatapon niya ito sa mga pulis.

Narekober naman sa bahay ng suspek ang mga homemade guns, mga granada at iba pang mga pampasabog.

May nakuha ding mga pekete ng shabu at marijuana sa bahay ni Peralta.

 

 

TAGS: drug suspect killed in Nueva Ecija, drug suspect killed in Nueva Ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.