Operating hours ng LRT 1 pahahabain na

By Den Macaranas July 07, 2016 - 04:46 PM

LRT1
Inquirer file photo

Simula sa July 10 hanggang sa August 9 ay pahahabain na ang oras ng operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na may rutang Roosevelt Avenue – Baclaran vice-versa.

Sinabi ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at Chief Executive Officer Jesus Francisco na nasa trial period pa lang ang gagawin nilang pagpapahaba sa oras ng biyahe pero kapag naging matagumpay ito ay hindi na nila ito babaguhin pa.

Imbes na hanggang 9:30pm, ang huling biyahe ng tren mula Baclaran papuntang Roosevelt Ave. sa Quezon City ay gagawin nang 10pm.

Ang Southbound trip naman na hanggang 9:40pm lamang ang huling biyahe ay gagawing hanggang 10:15pm na.

Tuwing weekends at holidays ay magiging 9:30pm na ang huling biyahe para sa rutang Baclaran-Roosevelt Ave. samantalang 9:50pm naman para sa biyaheng Roosevelt Ave. – Baclaran.

Ipinaliwanag ni Francisco na target nilang mapaglingkuran ang mga night commuters para higit na mapabilis ang kanilang mga byahe.

TAGS: baclaran, lrt 1, lrtmc, roosevelt ave, baclaran, lrt 1, lrtmc, roosevelt ave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.