Pagkamatay ng pari sa Bohol, isang kaso ng murder at hindi suicide-NBI

By Kabie Aenlle July 07, 2016 - 04:27 AM

 

crime-scene1Murder at hindi suicide ang ikinamatay ng pari sa St. Peter the Apostle Church sa bayan ng Loboc sa Bohol, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Una kasing napa-ulat na nagpakamatay umano si Fr. Marcelino Biliran matapos niyang malaman na siya ay may colon cancer.

Ngunit nang lumabas ang resulta ng autopsy na isinagawa ng medico-legal ng NBI, napag-alaman na may pumatay kay Biliran at hindi siya nagpatiwakal.

Ayon kay NBI-Bohol chief Rennan Augustus Oliva, dahil nakuha na nila ang resulta, ididiretso na nila ito sa imbestigasyon para matukoy naman kung sino ang pumatay sa pari.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Diocese of Tagbilaran na si Fr. Val Pinlac, puro mga pahiga o horizontal na laslas ang nakita ng medico-legal sa leeg ni Biliran na isang matinding indikasyon na hindi siya nagpakamatay.

Ipinaliwanag aniya kasi sa kanila ng NBI na sa kaso ng mga nagpapakamatay, karaniwang patayo o vertical ang nakikitang laslas o sugat sa leeg.

Base sa resultang ito, lumalabas na may pumatay kay Biliran at pinagmukha lang itong nag-bigti gamit ang extension wire para hindi mahalata.

Inanunsyo na rin ito ni Bishop Leonardo Medroso sa kaniyang misa sa St. Joseph Cathedral kahapon para mabigyang linaw ang sanhi ng pagkamatay ni Biliran na umani ng pagbatikos dahil labag ito sa paniniwala ng Simbahang Katoliko.

Ngayong nalinawan nang hindi nag-suicide si Biliran, mabibigyan na siya ng full funeral rites para sa isang pumanaw na Kristyano, kabilang na ang isang kumpletong liturgy mass sa Simbahan.

Si Biliran ay natagpuang patay sa loob ng kaniyang banyo noong June 27.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.