Gilas Pilipinas, bigo sa pangarap na makarating ng Rio Olympics

By Kabie Aenlle July 07, 2016 - 04:29 AM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Tuluyan nang nawala ang pangarap ng Gilas Pilipinas na makapasok sa 2016 Rio Olympics matapos silang matalo sa laban kontra New Zealand.

Bigo ang Gilas na makuha ang panalo sa kanilang do-or-die game laban sa New Zealand na nauwi sa score na 89-80.

Sa unang dalawang quarter, panay pa ang hataw ng Gilas at nakakahabol pa sa lamang ng mga kalaban, ngunit humupa rin ito lalo na sa huling quarter kasabay ng pag-hupa rin ng ingay ng mga Pinoy supporters.

Dahil sa kanilang panalo, didiretso na sa semifinal round ang New Zealand kasama ang France sa Group B dahil laglag na sa slot para sa Olympics ang Pilipinas.

Unang inasahan ng mga supporters na matatalo na ng Gilas ang New Zealand dahil ang kanilang head coach na si Tab Baldwin ay dating namuno sa team ng kalaban.

Ngunit maging ang kaalaman ni Baldwin sa New Zealand team ay tila hindi rin naka-ambag ng malaking tulong para maipanalo ang laban.

Ginanap ang laban sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, Miyerkules ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.