Ilang pulis na may mga kaso itinapon sa Mindanao

By Den Macaranas July 06, 2016 - 04:59 PM

NCRPOKinumpirma ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na umaabot sa tatlumpu sa kanilang mga tauhan ang ipinadala sa iba’t ibang mga bagong assignment sa Mindanao.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde na may mga kinakaharap na reklamo sa Internal Affairs Office ng PNP ang mga police personnel na inilipat ng destino sa Mindanao.

Habang iniimbestigahan ang kanilang pagkakasangkot sa ilang mga illegal na gawain ay mananatili muna sila sa malayong lugar kabilang na sa mga lugar na teritoryo ng Abu Sayyaf ayon sa opisyal.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipanlalaban niya sa Abu Sayyaf ang mga tauhan ng PNP na mapapatunayang sabit sa mga kalokohan kabilang na ang illegal drugs.

Tumanggi namang magkomento ang pamunuan ng NCRPO sa pagkakasangkot sa illegal drug trade ng ilang mga matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

TAGS: abayalde, dela rosa, NCRPO, npn, abayalde, dela rosa, NCRPO, npn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.