Duterte maglalabas pa ng mga pangalan ng PNP officials na sangkot sa droga

By Ruel Perez July 06, 2016 - 04:47 PM

President Duterte
Inquirer file photo

Posible umanong meron pang susunod na mga opisyal o mga “Generals” ng PNP na ibubunyag si Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs

Sa ipinatawag na press conference ni PNP Chief Ronald dela Rosa ay kanyang ipinahiwatig na mayroon pang mga pangalan na ilulutang si Duterte kasunod ng pagbubunyag nito sa limang mga aktibo at retiradong police officials na sangkot sa droga.

Paliwanag ni dela Rosa, may next wave pa ang ginawang announcement kahapon ni Duterte kasabay ang pagtiyak na dumaan ang mga impormasyon sa tamang beripikasyon.

Sa ngayon ay ipinauubaya na lamang ni dela Rosa sa National Police Commission (Napolcom) ang imbestigasyon kina dating NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police Director C/Supt. Edgardo Tinio at dating Western Visayas Regional Director C/Supt. Bernardo Diaz.

Kaninang umaga ay nakaharap na ni dela Rosa sa isang pulong ang mga opisyal na sinasabing protektor ng mga sindikato ng illegal drugs pero tumanggi siyang idetalye ang laman ng kanilang mga napag-usapan.

TAGS: dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP, dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.